Mga Post

Ang aking Magulang

 Magulang, saan nga ba tayo pupulutin kung wala sila? Ano nga ba ang gampanin nila? Gaano ba sila kahalaga? kay daming tanong ang namumutawi sa ating isipan ngunit namumukod tangi lamang ang tugon ko d'yan. Wala ka, wala ako at wala tayong lahat kung wala sila. Si ama na nagtaguyod at nagsasakripisyo sa araw araw upang may maipangtustos at may maipakain sa kaniyang pamilya sa araw araw. Si ina na nagpakahirap magdalang tao ng siyam na buwan upang maisilang tayo, siya na araw araw nag aalaga at gumagabay sa atin. Sila na ginagawa ang lahat para sa ating mga anak.Sila na walang hangad kung 'di ang kabutihan din natin.Tayo'y kanilang pinagsasabihan o sinesermunan sa t'wing tayo'y nakagagawa ng pagkakamali kaya naman dapat tayong makinig at matuto mula sa kanila dahil mas alam nila ang kung anong makakabuti sa atin. Habang sila ay naririto sa mundong ibabaw, iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal dahil hindi natin masasabi ang mga pwedeng mangyari kaya ...