Ang aking Magulang
Magulang, saan nga ba tayo pupulutin kung wala sila? Ano nga ba ang gampanin nila? Gaano ba sila kahalaga? kay daming tanong ang namumutawi sa ating isipan ngunit namumukod tangi lamang ang tugon ko d'yan. Wala ka, wala ako at wala tayong lahat kung wala sila. Si ama na nagtaguyod at nagsasakripisyo sa araw araw upang may maipangtustos at may maipakain sa kaniyang pamilya sa araw araw. Si ina na nagpakahirap magdalang tao ng siyam na buwan upang maisilang tayo, siya na araw araw nag aalaga at gumagabay sa atin. Sila na ginagawa ang lahat para sa ating mga anak.Sila na walang hangad kung 'di ang kabutihan din natin.Tayo'y kanilang pinagsasabihan o sinesermunan sa t'wing tayo'y nakagagawa ng pagkakamali kaya naman dapat tayong makinig at matuto mula sa kanila dahil mas alam nila ang kung anong makakabuti sa atin. Habang sila ay naririto sa mundong ibabaw, iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal dahil hindi natin masasabi ang mga pwedeng mangyari kaya habang may pagkakataon tayo iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal upang wala tayong pagsisihan sa huli. Ang pagiging magulang ay may kaakibat na responsibilidad dahil hindi biro ang magpalaki ng isang anak at lalong hindi biro ang paghahanap buhay at pagsasakripisyo para sa araw araw na gastusin. Hindi dapat natin sila binabastos o sinasagot dahil bilang anak responsibilidad natin na galangin at mahalin sila, sa tuwing tayo ay pinagsasasabihan nila, ugaliin nating intindihin at tandaan ito. Kaya kung ikaw, o kung sino man diyan na hindi pinapahalagahan ang magulang nila, mag isip ka dahil kapag dumating yung panahon na sising sisi na tayo, hindi na natin pwede pang ibalik ang mga oras at panahon na sana'y pinakinggan nalang natin ang payo ng ating magulang.Sa bawat takbo ng oras mahalin natin ang ating magulang, magpasalamat tayo dahil kanila tayong pinag aaral.Tandaan "When your parents are not rich but still afford to give you a beautiful life, appreciate their sacrifices."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento